May isang kristiyano nagngangalang Tandin na nagsasabing siya ay
nakakilala sa Panginoong Jesus ng walang nanalangin para sa kanyang kaligtasan.
Subalit ng nag-researched ang mga taong malapit sa kanya nadiskubreng ang nanay
ni Tandin ay namatay habang siya ay ipinapanalangin para sa kanyang
kaligtasan.
Tayo
po ay nakakilala sa Panginoong Jesus hindi sa pamamgitan ng ating sariling
pagsusumikap na maligtas. Tayo ay naligtas sapagkat may mga taong kinasangkapan
ng Diyos para tayo’y ipanalangin ng walang sawa hanggang sa tayo ay makakilala
sa Panginoon. Sinabi ni Jesus
na “walang makalalapit sa akin malibang dalhin siya ng Amang nagsugo sa akin…”
Paano mangyayari ang sinabing ito ng Panginon? Panalangin. Manalangin po tayo
ng walang sawa para sa ating asawa, anak, kaibigan, kapit-bahay, at kamag-anak
na wala pang relasyon kay Jesus na kumilos o mangusap ang Diyos para sa
kanilang kaligtasan.
Si George
Mueller ay kilala sa larangan ng pananalangin. Noong 1844 nagsimula siyang
manalangin araw-araw ng walang patid para sa kaligtasan ng 5 katao. Pagkaraan
ng 18 buwan nakakilala sa Panginoon ang una; pagkaraan ng 5 taon nakakilala ang
pangalawa; pagkaraan ng 6 na taon
nakakilala ang pangatlo. Sa loob ng 52 years patuloy na nanalangin si George Mueller para sa
kaligtasan ng 2 pang hindi
naliligtas. At pagkaraan ng ilang buwan
ng si George ay mamatay nakakilala sa Panginoong Jesus ang pang-lima at huli sa
limang taong pinapanalangin niyang maligtas.
Sa ikaliligtas
ng ating mga mahal sa buhay manalangin ng walang humpay. (pagkatapos po ninyong
basahin ang bahaging ito isipin po ninyo at ipanalangin ang mga kakilala
ninyong wala pang relasyon sa Panginoong Jesus para sa kanilang kaligtasan).

No comments:
Post a Comment