Wednesday, August 5, 2015

Want to be Great?

Noong ako ay bago-bagong Pastor gustong-gusto ko na ako’y hinahainan tuwing lunch fellowships at sinusunod ng aking mga church members. Sa madaling sabi nais kung ako ay pinaglilingkuran. Subalit, ang asal na ito ay  nabago nang mangusap sa akin ang Panginoon sa kanyang salita “Tulad ng Anak ng tao (Si Jesus) na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod…” (Mateo 20:28).

Ayon sa ating Panginoong Jesus greatness is through service and not being served. Karamihan ng tao ay gustong paglingkuran kasama na tayong mga Kristiyano. Subalit ang kadakilaan ay makakamtan sa pamamagitan ng paglilingkod. Ang Panginoong  Jesus ang siyang ating modelo sa aspetong ito. Naglingkod siya sa pamamagitan ng pagtuturo, pagpapagaling sa may mga karamdaman, pagpapakain sa mga tao, at pag-alay ng kanyang buhay para sa atin. “Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya” (Filipos 2:9-10).

Ang bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng talento o kakayahan para sa ating paglilingkod at sa kapurihan ng Diyos (1 Corinto 12). Bilang tugon:   

1. Maglilingkod ako sa aming tahanan sa pamamagitan ng ....      
2. Maglilingkod ako sa aming Church sa pamamagitan ng.....



No comments:

Post a Comment