Hosea 1-5
Katulad nating mga tao ang ating
Diyos ay mayroon ding desire o naisin. Ito ay hindi para sa kanyang sarili o
para sa kanyang ikabubuti kundi sa ikapagpapala natin. Karamihan sa mga desires
natin ay self-centered o para sa ating benefits. Subalit ang Diyos, dahil sa
kanyang di malirip na pag-ibig sa atin ang personal desire niya ay para sa atin.
Inihalintulad
ng Diyos ang pagsamba ng mga Israelita sa mga diyus-diyusan sa pakikiapid. At
para mas bigyang diin ito kinasangkapan niya si Propeta Oseas. Inutusan niya
ang propeta na mag-asawa ng isang prostitute, si Gomer. Sa kabila na sila’y
nagkaroon ng tatlong anak sina Jezreel, Lo-Ruhamah, at Lo-Ammi nagawa pa rin ng
kanyang asawa na mangalunya not once not twice but many many times. Subalit, sa
kabila nito, at sa kabila na durog na durog ang puso ni Oseas nagawa pa din ng
propetang suyuin at tanggapin ng buong-buo ang kanyang asawa. Kung paanong
nasaktan si Oseas sa ginawa ni Gomer mas nasaktan ang Diyos sa paulit-ulit na
pagsalansang ng kanyang bayang Israel.
Ang
Diyos ay seryoso sa kanyang relasyon sa atin bilang kanyang mga Anak. Ipinakita
niya ito ng mamatay ang ating Panginoong Jesus sa krus para sa ating mga
kasalanan. Subalit sa maraming pagkakataon hindi tayo seryoso sa Diyos. Kahit
alam nating kasalanan ginagawa pa din natin, kahit alam natin ang kalooban ng
Diyos ang kalooban pa din natin ang siyang nasusunod, kahit alam nating
mabuting manalangin, sumamba, at maglingkod sa kanya ginawa lang natin ang mga
ito kapag nasa mood tayo o maisipan lang. Sa kabila ng ating pagiging unfair ang
Diyos ay laging nakahanda na tayo’y patawarin, yakapin, tulungan, at bigyan ng
panibagong pagkakataon kung tayo ay tatawag sa kanya. Ayaw natin ang ibang tao
na nagiging unfair sa atin pero bakit ginawa natin ito sa Diyos? Paki-explain?
Walang
ibang desire ang Diyos kundi ang maging tapat at totoo tayo sa ating relasyon
sa kanya na kung saan para rin naman sa ating ikapagpapala. Maging seryoso tayo sa ating relasyon sa
kanya: kung mali huwag ng gawin, kung tama gawin.

No comments:
Post a Comment